Suriin

Mga Conversion

Tungkol sa Mga Layunin

Gumamit ng Mga Layunin upang sukatin kung gaano mo kahusay natutugunan ang mga indibidwal na layunin.

Kasalukuyang nasa limitadong beta ang mga tampok ng Google Mobile App Analytics na inilalarawan sa artikulong ito. Kung interesado kang mag-sign up, maaari kang humiling na sumali sa beta.

Ang Mga Layunin at Funnel ay umaangkop na paraan upang sukatin kung gaano kahusay na isinasagawa ng iyong site o app ang iyong mga target na layunin. Maaari kang mag-set up ng indibidwal na Mga Layunin upang subaybayan ang mga hiwa-hiwalay na pagkilos, tulad ng mga transaksyong may minimum na halaga ng pagbili o ang tagal ng panahong ginugol sa isang screen. Hinahayaan ka ng isang Funnel na tumukoy ng isang path na inaasahan mong daraanan ng trapiko upang maabot ang isang Layunin. Nakakatulong sa iyo ang pagsasama ng Mga Layunin at Funnel na suriin kung gaano kahusay na nagdidirekta ng mga tao sa iyong target ang iyong site o app.

Sa tuwing kumukumpleto ng isang Layunin ang isang user, nagtatala ng isang conversion sa iyong Google Analytics account. Kung magtatakda ka ng perang halaga para sa isang Layunin, makikita mo rin ang halaga ng mga conversion. Makikita mo ang mga rate ng mga conversion ng Layunin (hal., ang mga rate ng pagkumpleto ng Layunin) sa Mga Ulat sa Layunin. Masusuri mo rin ang mga conversion ng Mga Layunin sa iba pang mga ulat, kasama ang Ulat sa Bisita, Mga Ulat sa Trapiko, Mga Ulat sa Site Search, at ang Mga Ulat sa Mga Kaganapan.

Mga Uri ng Mga Layunin

Sumangguni sa seksyong ito para sa tulong kung kinakailangan kapag nag-set up ka ng Mga Layunin

May apat na iba't ibang layuning maaari mong piliin para sa isang Layunin. Kapag isinagawa ng isang bisita ang pagkilos na pinili mo, nati-trigger ang isang conversion at itinatala ito sa iyong Mga Ulat sa Layunin. Maaari mong piliin ang uring nais mong subaybayan mula sa isang listahan kapag nag-set up ka ng Mga Layunin sa iyong account:

  • Patutunguhan ng URL: May isang tukoy na lokasyon, tulad ng isang web page (o virtual na pahina) o isang screen ng app, na nag-load. Halimbawa, ang isang Salamat sa pagpaparehistro! na web page o screen ng app ay maaaring isang patutunguhan para sa isang kampanya ng pagbuo ng lead ng ecommerce. Mahusay na gumagana ang Layuning ito kasama ng Mga Funnel (tingnan sa ibaba).
  • Tagal ng Pagbisita: Mga pagbisitang umaabot ng isang tukoy na tagal ng panahon o mas matagal. Maaari mong gamitin ang Layuning ito upang tukuyin kung ilang bisita ang nananatili nang mas matagal sa dalawang minuto sa isang pahina o screen ng pamimili.
  • Mga Pahina/Pagbisita (para sa web) Mga Screen/Pagbisita (para sa apps): Tumitingin ang isang bisita ng isang tukoy na bilang ng mga pahina o screen sa isang pagbisita. Gamitin ang ganitong uri ng layunin kapag nais mong subaybayan ang mga bisitang tumitingin ng minimum na 3 pahina, halimbawa.
  • Kaganapan: Nagti-trigger ang isang bisita ng isang pagkilos na tinukoy mo bilang isang Kaganapan, tulad ng isang social na rekomendasyon o isang pag-click sa ad. Upang makapagtakda ng ganitong uri ng layunin, dapat ka munang mag-set up ng Pagsubaybay ng Kaganapan.

Mga hanay ng layunin: Pagsasaayos ng Mga Layunin sa iyong account

Awtomatikong pinagpapangkat ang Mga Layunin sa mga hanay, bagama't ikaw ang tutukoy kung aling Mga Layunin ang kasama sa bawat hanay. Lumilitaw ang mga hanay na ito sa iyong mga ulat bilang mga link sa ilalim ng tab na Explorer sa maraming ulat. Gumamit ng mga hanay upang ikategorya ang iba't ibang uri ng Mga Layunin para sa iyong site. Halimbawa, maaaring subaybayan mo ang mga download, pagpaparehistro at pahina ng resibo sa magkakahiwalay na hanay ng Mga Layunin. Ang post sa blog ng Analytics mula Hunyo 14 , 2012 ay may mahusay na halimbawa kung paano isaayos ang mga hanay ng Layunin.

Ang Mga Layunin ay itinatakda sa antas ng profile at limitado sa 20 Layunin sa bawat profile. Ang bawat profile ay maaaring magkaroon ng apat na hanay ng Mga Layunin, at ang bawat hanay ay maaaring magkaroon ng maximum na limang Layunin. Upang subaybayan ang mahigit sa 20 layunin para sa isang website o app, mag-set up ng bagong profile para sa katangiang iyon.

Mga Halaga ng Layunin

Sumangguni sa seksyong ito para sa tulong kung kinakailangan kapag nag-set up ka ng Mga Layunin

Kapag nagtakda ka ng Layunin, mayroon kang pagpipiliang magtalaga ng halaga ng dolyar sa conversion. Sa tuwing nakukumpleto ang Layunin, itinatala ang numerong ito. Pagkatapos, ang lahat ng paglitaw ng numerong ito ay pinagsasama-sama at iniuulat bilang Halaga ng Layunin.

Ang bawat pagkilos na ginagawa ng bisita sa iyong web site o app ay maaaring mailipat sa halaga ng dolyar. Isang paraan upang makatulong sa pagtukoy kung ano dapat ang Halaga ng Layunin, ay ang suriin kung gaano kadalas nagiging mga customer ang mga bisitang nakukumpleto ang layunin. Halimbawa, kung maisasara ng iyong koponan sa pagbebenta ang 10% ng mga taong nagsa-sign up para sa isang newsletter, at ang iyong average na transaksyon ay Php 25,000, maaaring magtalaga ka ng Php 2,500 (ibig sabihin, 10% ng Php 25,000) sa iyong Layunin sa pag-sign-up sa Newsletter - isang Layuning makukumpleto ng mga bisita kapag naabot nila ang huling pahina sa pag-sign up. Sa kabilang banda, kung 1% lang ng mga pag-signup ang nagdudulot ng benta, maaaring magtakda ka lang ng Php 250 sa iyong Layunin sa Pag-sign up sa Newsletter.

Bagama't opsyonal ang pagtatalaga ng Halaga ng Layunin kapag nagse-set up ng Mga Layunin, lubos naming inirerekomendang gamitin mo ito upang makatulong na pagkakitaan at suriin ang lahat ng pakikipag-ugnayan ng bisita sa iyong site. Tandaang ginagamit din ng Google Analytics ang data ng Halaga ng Layunin upang kalkulahin ang iba pang mga sukatan tulad ng ROI at Average na Marka.

Mga Funnel ng Layunin

Sumangguni sa seksyong ito para sa tulong kung kinakailangan kapag nag-set up ka ng Mga Layunin

Hinahayaan ka ng isang Funnel na tumukoy ng isang path na inaasahan mong daraanan ng trapiko upang maabot ang isang Layunin sa Patutunguhan. Kapag tumukoy ka ng mga hakbang sa isang Funnel, masusubaybayan ng Analytics kung saan pumapasok at lumalabas sa path ang mga bisita patungo sa iyong Layunin, na nagbibigay sa iyo ng mahalagang pananaw tungkol sa iyong site. Halimbawa, maaari kang makakita ng isang pahina sa Funnel kung saan maraming trapiko ang lumalabas bago makumpleto ang Layunin - na nagsasaad ng problema sa pahinang iyon. Kung nakakakita ka ng maraming trapikong lumalaktaw ng mga hakbang, natuklasan mong ang nabigasyon ng site o ilang partikular na conversion ay masyadong mahaba o naglalaman ng mga walang katuturang hakbang.

Magagamit lang ang Mga Funnel sa Mga Layunin sa Patutunguhan. Ang huling pahina sa pagkakasunud-sunod ay ang iyong pahina ng Layunin (inilagay bilang Patutunguhan ng Layunin), habang binubuo ng mga naunang pahina ang mga Funnel step. Para sa mga Funnel ng Layunin sa pagbuo ng lead, maaari mong italaga ang unang pahina ng funnel bilang URL ng form ng kahilingan sa pakikipag-ugnay at ang pahina ng layunin bilang URL para sa isang pahina ng Salamat sa iyong kahilingan na lumilitaw pagkatapos magsumite ng user ng isang kahilingan sa pakikipag-ugnay.

Maaari mong tingnan ang aktibidad ng Funnel sa Paglalarawan ng Daloy ng Layunin at sa ulat sa Funnel Visualization.

Higit Pang Impormasyon

Sa sandaling nakapag-set up ka na ng Mga Layuning may Mga Halaga, o kung gumagamit ka ng Layunin kasama ng Pagsubaybay sa Ecommerce, maaari mo ring galugarin ang Mga Multi-Channel Funnel.

Sabihin sa amin ang aming pagganap - Sagutin ang limang maiikling katanungan tunkol sa iyong karanasan sa help center

Para sa mga site at app na gumagamit ng Protocol ng Pagsukat, maaaring naiiba ang ilang impormasyon tungkol sa pagkolekta ng data. Alamin ang higit pa tungkol sa Universal Analytics .